Tuesday, February 21, 2012

Never say never.


Pulis: Benjo sumuko ka na, wala ka ng mapupuntahan!
Lalake: Hindi ako susuko!
Pulis: Sumuko ka na Benjo, napapaligiran ka na namen!!!
Lalake: Kahit anung gawin niyo hindi ako susuko!!
Pulis: Bakit ba ayaw mong sumuko?!
Lalake: Hindi ako si Benjo!!! Mga ungas!

Walang kwenta man ang scenario na inyong nabasa, ang gusto ko lang matutunan niyo ay ang hindi pagsuko basta basta lalo na sa mga mahahalagang bagay katulad ng Pagibig, lalo na kung naniniwala kang ito ang nakapagpabago sa buhay mo at hinulma ka sa isang mas mabuting tao. 

Ang pagibig ba ay hinahanap o hinihintay? Maaaring iba iba tayo ng pananaw pero ang alam ko lang na sigurado, ito ay dapat iniingatan. Ngunit kahit anung gawin mo, hindi mo maiiwasan ang mga pagsubok na darating sa inyong relasyon. Mga away na para bang walang katapusan, mga argumentong paulit ulit nalang. Wala namang nananalo, pareho lang kayong napapagod. Sabi nga sa kanta, "It's not always rainbows and butterflies." Minsan o madalas, ulan at caterpillar ang bumubungad sa inyo. Ang masakit, minsan ang simpleng ambon ay nagiging malakas na bagyo. Pakiramdam mo lagi kayong nasa state of calamity, para bang nakatira kayo sa intertropical convergence zone. Kaya dapat ay lagi kang handa kahit hindi ka Boyscout. Ngunit walang rainbow kung walang ulan, at walang magandang butterfly kung hindi ito dumaan sa pagiging caterpillar.. Love is stronger after the storm, and the smiles are sweeter after the tears. Let us always remember that it's the happy moments that make us beautiful but it's the bad ones that make us strong.

Kung siya ang nakipaghiwalay sayo at sinabi niya na gusto niya ng "space". Respetuhin mo iyon, wag mong iuusod lang ang iyong upuan katulad ng ginawa ni John Lloyd, maling mali yun pareng John lloyd. Tandaan mo na separate individuals parin kayo, kailangan niyo ng oras para sa inyong sarili, para makapagreflect. Hintayin mo siya hanggang sa kaya niya na uli. Hindi naman minamadali ang pagibig, kaya huwag kang apurado (May appointment ka 'te?) Ipakita mo na kaya mong maghintay.  Time is gold and it's precious, that's why you only give it to someone that matters to you the most. Show that you can support her through the good and bad times. Give her time, space, and air to breathe again.

Kahit para bang wala ng pagasa, huwag ka agad maghahanap ng iba. Kahit sabihin pa ng mga kaibigan mo na maraming isda sa dagat. Kung mahal mo talaga siya, maiisip mo sa iyong sarili "Buti nalang hindi ako mahilig sa isda." at lahat ng makikita mong babae ay para bang nagmumukhang galunggong. Iyan ang tunay na pagibig, dahil kahit napakarami pang iba, ang tibok ng puso mo ay para lang sa isa. Bago ka gumalaw, magisip ka muna. Ipagpapalit mo ba sa sardinas ang isang century tuna?

Kung pwede lang tumambay ka sa meralco, para lang muli kayong magkaspark. Isalba mo kung anung meron kayong dalawa, hanggang pareho kayo ng nadarama. Huwag niyo ng ungkatin ang nakaraan, kung ganon sana nagteacher nalang kayo ng Sibika at Kultura. Hilig niyo sa history eh. Huwag mo ng halukayin ang mga bagay na nasa baul, ang mga bagay na nakabaon na sa lupa. Hindi mo rin naman kayang baguhin ang kahapon, sinisira mo lang ang bukas at ang ngayon. We keep on worrying about yesterday, when it's today that keeps us alive. Kung nagkamali man siya dati, matututo kang magpatawad katulad ng pagpapatawad niya sa iyo. Tandaan mo nalang kaibigan na kapag ikaw ay natutukso, isipin mo na ang tawag ng laman ay nagwawakas ngunit ang tunay na pagibig ay wagas.  Ang kamalian ay kahinaan ng utak ngunit ang pagpapatawad ay ang kalakasan ng puso. At kung nagmamahalan talaga kayo, ang lahat ng pagkulalang at kamalian ninyo ay hindi na mahalaga. After the years pass by, you would just look at all of them and say "After all we've been through, i'm just happy we made it."

Blessed is the man who has a girl on his side. Sa panahon ngayon, napakahirap ng makahanap ng taong magbibigay sa iyo ng bagong dahilan at purpose sa buhay. The world has become so modern that sometimes we tend to forget the pure intentions of the heart. But in spite of that, I still believe in true love and in the people who believe in that as well. "Wala ng bagay na mas dadalisay sa tunay na pagibig na kanyang inalay." Kaya kung sa tingin mo natagpuan mo na siya, never let her go. Never let her walk away and let Destiny decide. You fighting for her, that's the real destiny. Make it last, and make it your last.

They say love only comes once in a lifetime, but it's doesn't. Love would come and go many times in your life, it's the great love that comes only once. And if know you found it, spend all the time in the world to take all the chance you can get. Never let great love end, let it take you 'til the end.

~Ed Lawrence M. Perez~

Monday, February 20, 2012

Puso lang ang labanan.

Minsan may isang kaibigan ang nagtanong sa akin. Sabi niya "Pare, takot ka bang masaktan?" Sinagot ko ng "Masaktan saan? Linawin mo gago." At sumagot siya ng "Sa pagibig pre." Napaisip ako saglit at para bang tumigil ang takbo ng mundo, para bang bumagal ang hampas ng alon sa dalampasigan, humina ang huni ng mga ibon sa kapaligiran.. Hindi, joke lang. Sumagot ako agad. Haha. Sabi ko sakanya "Ang totoo nan tol, sa mundong lahat tayo masasaktan, puso lang ang labanan."

Oo, puso lang ang labanan. Napakadami ng nadurog na mga puso at buwis buhay na naganap dahil lamang sa malabo at komplikadong bagay na kung tawagin ay pagibig. Hanggang sa ngayon, wala parin sagot ang siyensya sa kung pano ba gumagalaw ang sistema ng pagibig. Pero sa aking pananaw, kahit ilang taon kayong magsuri dyan, wala kayong mapapala dahil ang pagibig ay nabubuo mula sa isang natural na proseso ng pagsasanib emosyon ng dalawang taong naglalaan ng kanilang oras at panahon. At hindi sa pagcocombine ng dalawang kemikal at paghulog ng dalawang puso sa isa't isa dahil sa gravity at physics mga hunghang. Pero kung mismong mga eksperto hindi mabigyan depinisyon ang pagibig, pano pa ang kabiguan maaari mong maranasan mula rito?

Marami na kong nakitang taong nasaktan, nabigo, nanakit, lumayo, umupo, tumayo. Sabi nila in every breakup, may nasa winner side at loser side, sad side at sadder side pero hindi isyu dito kung sinong nanalo o natalo dahil kung tunay kang nagmahal, hindi mo gugustuhing manalo.. You just want to survive it. Kaya kung naranasan mo ng iwan o ipagpalit sa iba, ang tanong ko sa'yo "Naisalba mo ba ang sarili mo mula sa lumulubog niyong relationSHIP o hinayaan mong lunurin ka ng ala alang alam mong hindi na muling magbabalik matapos kayong bumangga sa malaking iceberg?" 

Madali lang sagutin ang katanungang iyan.. Kung tinitingnan mo parin ang mga pictures nyo sa facebook, sa photo album, sa cellphone, mapaformal shoot nyo sa prom, wacky o jumpshot, kung hindi mo pa binubura ang mga texts nya sayo kahit gm lang o kahit wrongsend, kung ang paborito mong singer ay si Adele at ang paborito mong kanta ay Total Eclipse of the Heart, masamang pangitain yan. Dahil bawat ala alang iyong binabalikan ang pinapasan ng iyong mabigat na kalooban. Tandaan mo, kung pinili ka niyang iwanan sa kabila ng inyong magandang pagsamama, ibig sabihin lang nun, walang magandang ala ala ang makakapagpabalik sakanya kung hindi ikaw ang gusto niyang makasama sa mga ala alang iyon. Pinili niyang umalis at pinili mong masaktan pero pinili mo nga ba? O sadyang hindi mo naman talaga maiiwasan ang sakit ng paghihiwalay. Pero kung ano't ano pa man, ang siguradong desisyon na nasa iyong kamay ay ang pagtanaw sa kinabukasan.

Umaasa ka parin ngunit ang sabi nya sayo ay "Move on." (Demanding ka 'te? Ikaw kaya dito ng malaman mo!) Yan ang palihim na sigaw ng iyong damdamin. But how can you move on if it's the end of the road? Sabi nga ni Katy Perry, "You said move on, where do I go?" Ang kasagutan dyan Katy Perry at mga madlang mambabasa ay change lane ka na kaibigan. Huwag mo nang tahakin at sundan ang daan na minsan ay nagligaw sayo. Isipin mo na masaya ka naman sa iyong paglalakbay dati bago pa man magkasalubong ang inyong mga landas. Tandaan mo na maraming pasikot sikot ang buhay at may pagibig na naghihintay sa bawat sulok, maaaring sa dulo ng daan, sa kaliwa o kanan o minsan hindi mo lang napansin noon pero iyo ng nadaanan.

"Love is temporary but Hope is eternal". Ang bawat umaga ay may bagong liwanag, ang bawat araw ay may bagong pagasa. But we must not hope for the wrong things just like as to not love for the wrong reasons. Remember that the only love worth fighting for is the one that you could win. Acceptance is the only way. Accepting that some things happen that are just out of our control and all we can do is accept the things we cannot change. We can hope for better days and warmer nights but we should realize that we must always move forward while hoping. 

Time can be a friend or an enemy. Sabi nga nila, lahat ng sugat ay naghihilom sa paglipas ng panahon at ang sugat na nakamarka sayo ang magsisilbing paalala na minsan ka ng nasugatan ngunit muling tinuloy ang laban. Pero hindi ito applicable sa lahat ng tao, because sometimes time worsens things. It just prolongs the agony and suffering. Either way, wala sa oras ang kasagutan kundi sa kung paano mo ito gamitin at pahalagahan. Life is short and you will only live once so make up your mind fast while there's still time ticking. Hindi ito hihinto para lang sa iyo. So are you gonna spend your time holding on to your sad stories or for making and giving yourself new and wonderful memories? Thats up to you. Deal or no deal? Game ka na ba? Kung game na, whammy push your luck!!! At kung nagtagumpay ka sa iyong pagbangon muli, sabihin mo nalang sa umiwan sayo, "Alam mo sa buhay ko ikaw ang weakest link, Goodbye!"

Minsan masyadong mabilis ang buhay, mabilis ang panahon dahil hinahabol natin ang oras o hinahabol ang mga maling tao sa buhay natin. Minsan kailangan nating tumigil para makapagisip, para makapagpahinga, para mapagtanto na ang lahat ng darating ay magiging parte lang ng ating buhay, magiging ala ala rin sa paglipas ng panahon. Hindi natin maiiwasan masaktan at madapa sa gitna ng daan ngunit humakbang ka muli. Hindi nakakahiyang gumapang dahil sa sakit, gumapang ka lang hanggang sa kaya mo ng lumakad muli.