Monday, February 20, 2012

Puso lang ang labanan.

Minsan may isang kaibigan ang nagtanong sa akin. Sabi niya "Pare, takot ka bang masaktan?" Sinagot ko ng "Masaktan saan? Linawin mo gago." At sumagot siya ng "Sa pagibig pre." Napaisip ako saglit at para bang tumigil ang takbo ng mundo, para bang bumagal ang hampas ng alon sa dalampasigan, humina ang huni ng mga ibon sa kapaligiran.. Hindi, joke lang. Sumagot ako agad. Haha. Sabi ko sakanya "Ang totoo nan tol, sa mundong lahat tayo masasaktan, puso lang ang labanan."

Oo, puso lang ang labanan. Napakadami ng nadurog na mga puso at buwis buhay na naganap dahil lamang sa malabo at komplikadong bagay na kung tawagin ay pagibig. Hanggang sa ngayon, wala parin sagot ang siyensya sa kung pano ba gumagalaw ang sistema ng pagibig. Pero sa aking pananaw, kahit ilang taon kayong magsuri dyan, wala kayong mapapala dahil ang pagibig ay nabubuo mula sa isang natural na proseso ng pagsasanib emosyon ng dalawang taong naglalaan ng kanilang oras at panahon. At hindi sa pagcocombine ng dalawang kemikal at paghulog ng dalawang puso sa isa't isa dahil sa gravity at physics mga hunghang. Pero kung mismong mga eksperto hindi mabigyan depinisyon ang pagibig, pano pa ang kabiguan maaari mong maranasan mula rito?

Marami na kong nakitang taong nasaktan, nabigo, nanakit, lumayo, umupo, tumayo. Sabi nila in every breakup, may nasa winner side at loser side, sad side at sadder side pero hindi isyu dito kung sinong nanalo o natalo dahil kung tunay kang nagmahal, hindi mo gugustuhing manalo.. You just want to survive it. Kaya kung naranasan mo ng iwan o ipagpalit sa iba, ang tanong ko sa'yo "Naisalba mo ba ang sarili mo mula sa lumulubog niyong relationSHIP o hinayaan mong lunurin ka ng ala alang alam mong hindi na muling magbabalik matapos kayong bumangga sa malaking iceberg?" 

Madali lang sagutin ang katanungang iyan.. Kung tinitingnan mo parin ang mga pictures nyo sa facebook, sa photo album, sa cellphone, mapaformal shoot nyo sa prom, wacky o jumpshot, kung hindi mo pa binubura ang mga texts nya sayo kahit gm lang o kahit wrongsend, kung ang paborito mong singer ay si Adele at ang paborito mong kanta ay Total Eclipse of the Heart, masamang pangitain yan. Dahil bawat ala alang iyong binabalikan ang pinapasan ng iyong mabigat na kalooban. Tandaan mo, kung pinili ka niyang iwanan sa kabila ng inyong magandang pagsamama, ibig sabihin lang nun, walang magandang ala ala ang makakapagpabalik sakanya kung hindi ikaw ang gusto niyang makasama sa mga ala alang iyon. Pinili niyang umalis at pinili mong masaktan pero pinili mo nga ba? O sadyang hindi mo naman talaga maiiwasan ang sakit ng paghihiwalay. Pero kung ano't ano pa man, ang siguradong desisyon na nasa iyong kamay ay ang pagtanaw sa kinabukasan.

Umaasa ka parin ngunit ang sabi nya sayo ay "Move on." (Demanding ka 'te? Ikaw kaya dito ng malaman mo!) Yan ang palihim na sigaw ng iyong damdamin. But how can you move on if it's the end of the road? Sabi nga ni Katy Perry, "You said move on, where do I go?" Ang kasagutan dyan Katy Perry at mga madlang mambabasa ay change lane ka na kaibigan. Huwag mo nang tahakin at sundan ang daan na minsan ay nagligaw sayo. Isipin mo na masaya ka naman sa iyong paglalakbay dati bago pa man magkasalubong ang inyong mga landas. Tandaan mo na maraming pasikot sikot ang buhay at may pagibig na naghihintay sa bawat sulok, maaaring sa dulo ng daan, sa kaliwa o kanan o minsan hindi mo lang napansin noon pero iyo ng nadaanan.

"Love is temporary but Hope is eternal". Ang bawat umaga ay may bagong liwanag, ang bawat araw ay may bagong pagasa. But we must not hope for the wrong things just like as to not love for the wrong reasons. Remember that the only love worth fighting for is the one that you could win. Acceptance is the only way. Accepting that some things happen that are just out of our control and all we can do is accept the things we cannot change. We can hope for better days and warmer nights but we should realize that we must always move forward while hoping. 

Time can be a friend or an enemy. Sabi nga nila, lahat ng sugat ay naghihilom sa paglipas ng panahon at ang sugat na nakamarka sayo ang magsisilbing paalala na minsan ka ng nasugatan ngunit muling tinuloy ang laban. Pero hindi ito applicable sa lahat ng tao, because sometimes time worsens things. It just prolongs the agony and suffering. Either way, wala sa oras ang kasagutan kundi sa kung paano mo ito gamitin at pahalagahan. Life is short and you will only live once so make up your mind fast while there's still time ticking. Hindi ito hihinto para lang sa iyo. So are you gonna spend your time holding on to your sad stories or for making and giving yourself new and wonderful memories? Thats up to you. Deal or no deal? Game ka na ba? Kung game na, whammy push your luck!!! At kung nagtagumpay ka sa iyong pagbangon muli, sabihin mo nalang sa umiwan sayo, "Alam mo sa buhay ko ikaw ang weakest link, Goodbye!"

Minsan masyadong mabilis ang buhay, mabilis ang panahon dahil hinahabol natin ang oras o hinahabol ang mga maling tao sa buhay natin. Minsan kailangan nating tumigil para makapagisip, para makapagpahinga, para mapagtanto na ang lahat ng darating ay magiging parte lang ng ating buhay, magiging ala ala rin sa paglipas ng panahon. Hindi natin maiiwasan masaktan at madapa sa gitna ng daan ngunit humakbang ka muli. Hindi nakakahiyang gumapang dahil sa sakit, gumapang ka lang hanggang sa kaya mo ng lumakad muli. 

No comments:

Post a Comment